Mga pasahero, patuloy ang pagdating sa Araneta Bus Terminal sa Cubao

By Angellic Jordan December 24, 2017 - 02:18 PM

Kuha ni Angellic Jordan

Patuloy ang pagdating ng mga pasahero sa Araneta Bus Terminal sa Cubao, Quezon City ngayong Bisperas ng Pasko para humabol at makauwi sa kani-kanilang probinsya.

Makikita sa terminal ang pila ng mga pasahero na last-minute bumibili ng ticket at nais humabol sa mga nakatakdang biyahe ng mga bus.

Ayon kay Virgilio Bien, dispatcher ng Mark Eve’s Transit, nabibigyan naman ang lahat ng chance passengers ng ticket sa kanilang bus.

Sa mga oras na ito, unti-unti na aniyang nagiging normal ang dami ng tao.

Patuloy naman ang pag-antabay at pagbabantay ng Quezon City Police para matiyak ang seguridad sa terminal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.