BFP, iimbestigahan kung nakasunod sa fire safety requirements ang nasunod na mall sa Davao City

By Chona Yu December 24, 2017 - 02:16 PM

Iniimbestigahan na ngayon ng Bureau of Fire Protection kung nakasunod sa fire safety requirements ang NCCC mall sa Davao City.

Ito ay matapos masunog ang apat na palapag na gusali kung saan tatlumpu’t pito katao ang na-trap sa sunog.

Sa panayam ng Nueve Nubenta Report ng Radyo Inquirer, sinabi ni BFP Director Chief Supt. Leonard Bañago na sampung taon na ang gusali.

Sa ngayon aniya, wala nang last minute inspection na ginagawa ang BFP sa mga establisyimiento para maiwasang maakusahan o mabahiran na namamasko ang kanilang mga tauhan.

Sa enero na aniya ng susunod na taon muling ipagpapatuloy ang pag iinspeksyon sa mga establisyimiento.

Gayunman, sinabi ni Bañago na maaari namang makapagsagawa ng inspeksyon ang BFP kung mayroon reklamo na matatanggap ang kanilang hanay o nalalagay na sa peligro ang buhay ng publiko.

Muli ring nagpaalala ang BFP sa publiko na maging mapagmatiyag at bantayang maigi ang mga niluluto o ang mga nakasaksak na appliances lalo na kung nagkakasiyahan.

Karaniwan kasi aniyang sanhi ng sunog ang overloading ng mga appliances at ang kapabayaan ng publiko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.