Paglalayas, tinitignang anggulo ng NCRPO sa pagkawala ng dalagitang si Ica Policarpio
Walang nakikita ang Philippine National Police (PNP) na senyales ng kaso ng kidnapping sa pagkawala ng 17-anyos na si Patricia “Ica” Policarpio.
Natagpuan si Ica ng isang concerned citizen na nakaupo sa isang carinderia sa bahagi ng Barangay 2B sa San Pablo, Laguna.
Ayon kay National Capital Region Police Office Director Oscar Albayalde, ang tinitignang anggulo ng pulisya ang posibleng nag-impluwensiya sa dalagita na maglayas sa kaniyang pamilya.
Ito ay matapos aminin ng ama nitong si Atty. Rufino Policarpio na nagkaroon sila ng parent-child discussion ilang araw bago mawala ang bata.
Aniya, posibleng mayroong nag-udyok kay Ica para magawa ito.
Base aniya sa kuha ng CCTV, walang ibang nakitang kasama ang dalagita nang umalis sa nasabing coffee shop at tanging mga gamit lamang ang naiwan nito.
Dahil dito, patuloy pa rin aniya ang gagawing imbestigasyon ng PNP sa kaso katuwang ang National Bureau of Investigastion.
Samantala, nagpasalamat naman si Albayalde sa kooperasyon ng buong hanay ng pulisya at publiko para mahanap si Ica.
Pagkakaisa at pagiging mapagmatyag aniya ang umiral sa lahat para agarang mahanap ang dalagita.
Gayunman, nagpaalala naman si Albayalde sa publiko na huwag magkalat ng maling impormasyon gamit ang social media hinggil sa mga ganitong pangyayari.
Nakakadagdag aniya ito ng kaba at takot sa pamilya at sa halip ay maging responsable sa bawat ibabahagi sa social media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.