Mahigit 100 katao pinangangambahang patay dahil sa pananalanta ng bagyong Vinta sa Mindanao
Tinatayang nasa 133 na ang bilang ng mga namatay sa rehiyon ng Mindanao matapos itong bayuhin ng bagyong Vinta.
Mula sa naturang bilang, 36 ang narekober sa Salog River sa Zamboanga del Sur, 17 mula naman sa sa bayan ng Salvador sa Lanao del Norte, at 28 ang naggaling sa Zamboanga peninsula.
Ayon sa mga otoridad, 81 katao naman ang nawawala mula bayan ng Sibuco at iba pang mga bayan sa Zamboanga del Norte.
Ayon naman kay Office of the Civil Defense (OCD) regional director Manuel Luis Ochotorena, karamihan sa mga biktima ay inanod ng rumaragasang baha.
Aniya, marami sa mga residente ang hindi sumunod sa abiso ng mga otoridad para sa preemptive evacuation na nagresulta sa mataas na bilang ng mga namatay.
76 na mga barangay sa Zamboanga provinces ang binaha dahil sa bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.