32 patay matapos mahulog sa ilog ang isang bus sa India

By Rhommel Balasbas December 24, 2017 - 05:28 AM

Umabot sa 32 ang nasawi matapos mahulog ang isang bus sa isang ilog sa Northern India.

Lulan ang 50 katao, nawalan ng preno ang bus na minamaneho ng isang 16-anyos dahilan upang mawalan ito ng kontrol at bumangga sa railing ng isang tulay bago bumagsak sa Banas river.

May 30 metro ang taas ng pinagkahulugan ng bus na papunta sana sa Ramdevji Hindu temple sa Sawai Madhopur district.

Ayon sa pulisya, karamihan sa mga biktima ay kababaihan at mga bata kabilang na ang drayber na pawang pagkalunod ang sanhi ng pagkamatay.

Ang ilang mga sugatan naman ay isinugod sa mga lokal na ospital.

Gumamit pa ng steel-cutters ang mga rescuers upang mailabas ang mga naipit sa sasakyan na halos malubog na sa tubig.

Sinikap namang maiahon ang bus sa tabing-ilog.

Nagpaabot na ng pakikiramay si Indian Prime Minister Narendra Modi sa pamilya ng mga nasawing biktima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.