DSWD patuloy pa rin ang pagtulong sa mga binayo ng bagyong Urduja

By Justinne Punsalang December 24, 2017 - 05:12 AM

Patuloy ang pagbibigay ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga Pilipinong biktima ng pananalanta ng bagyong Urduja, kasabay ng kanilang paghahanda rin para sa relief operations para naman sa mga nasalanta ng bagyong Vinta.

Sa datos ng kagawaran, 705 pamilya ang kasalukuyang nanunuluyan pa rin sa 31 evacuation centers sa mga rehiyon ng MIMAROPA, Bicol, at Eastern Visayas. 198 namang mga pamilya ang nakikitira ngayon sa kanilang mga kaanak o kaibigan.

Sa kabuuan, halos 3,000 kabahayan ang totally damaged habang mahigit 9,000 naman ang partially damaged dahil sa pananalanta ng bagyong Urduja.

Ayon sa DSWD, mahigit P65 milyon na ang naibigay nilang tulong sa mga naapektuhan ng naturang bagyo.

54 katao ang iniwang patay ng bagyong Urduja at 24 naman ang nawawala.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.