Pinoy, kabilang sa 20 ‘Islamic Terrorists’ na inaresto sa Kuala Lumpur

By Rhommel Balasbas December 24, 2017 - 04:53 AM

Nasa 20 katao na pinaghihinalaang miyembro ng mga grupong nakipag-alyansa sa Islamic State ang nahuli ng Malaysian Police.

Ayon sa awtoridad, kabilang sa kanilang mga naaresto ang lider ng isang Indonesian extremist group at iba pa na may planong maglunsad muli ng kaguluhan sa Mindanao.

Nakilala ang isa sa mga naaresto na lider ng IS-linked extremist group na Jamaah Ansharut Daulah (JAD) na itinuturong mastermind ng ilang malalaking pag-atake sa Indonesia.

Samantala, kabilang naman ang isang Filipino sa mga naaresto ng mga pulis.

Pinaghihinalaan ang 50-anyos na Pinoy na ito na nagrerecruit upang maging miyembro ng kidnap-for-ransom at teroristang grupong Abu Sayyaf.

Isinagawa ang nationwide raids sa buong Malaysia mula Nobyembre hanggang Disyembre ilang buwan lamang matapos ang kaguluhan sa Marawi City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.