10 barangay sa Maguindanao, lubog sa baha dahil sa bagyong Vinta

By Justinne Punsalang December 24, 2017 - 04:47 AM

Photo: PDRRMO

Lubog sa baha ang sampung mga barangay sa Maguindanao simula pa lamang ng Sabado ng umaga.

Ito ay dahil sa pag-apaw ng Kabacan River dulot na rin ng mga pag-uulang dala at pagtama sa lupa ng bagyong Vinta sa hilagang bahagi ng Mindanao.

Ayon sa bise alkalde ng Maguindanao na si Oto Montawal, nasa 15,000 mga indibidwal ang naapektuhan ng pagbaha. Aniya, nagsilikas ang mga ito sa tabi ng national highway na nagkakabit sa North Cotabato at Maguindanao.

Dahil sa madalas na pagbabaha sa tuwing makakaranas ng malaks na pag-uulan ang Bukidnon at Agusan del Sur ay naging handa na ang mga residente sa lugar. Kaya naman mabilis silang nakapagtayo ng panandaliang matutuluyan sa kalsada na nagdulot naman ng pagsikip ng daan.

Umapaw rin ang tubig mula sa Malitubog-Maridagao River bandang alas-singko ng umaga, dahilan para bahain ang ilang mga barangay sa bayan ng Pikit, North Cotabato.

Maswerte namang walang naitalang namatay dahil sa pananalanta sa lugar ng bagyong Vinta.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.