Pangulong Duterte binisita ang nasusunog na mall sa Davao City

By Justinne Punsalang December 24, 2017 - 01:53 AM

Photo by Bong Go

Sorpresang binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasunog na New City Commercial Complex (NCCC) Mall sa Davao City gabi ng Sabado.

Personal na ininspeksyon ng pangulo ang naturang mall, kung saan 29 pang katao ang hinahanap ng mga otoridad.

Mula sa NCCC Mall ay personal ring kinausap ng pangulo sa isang closed door meeting ang mga kaanak ng mga pinaghahanap na biktima.

Maging sina Davao Archbishop at Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) president Archbishop Romulo Valles at Davao City Mayor Sara Duterte ay nauna nang binisita at kinausap ang mga kaanak ng mga biktima.

Alas-9:30 ng umaga nang sumiklab ang apoy sa ikatlong palapag ng naturang mall.

Anim katao na ang naisalba ng rescue team, habang sinasabing mayroon nang mga katawan na inilabas mula dito, ngunit wala pang opisyal na kumpirmasyon mula sa mga otoridad.

Kinilala ang mga ito na sina Reggen Ombain, 20 taong gulang; Jireh Duterte, 28 taong gulang; Ednard Gumela, 21 taong gulang; Dexter Gonzaga, 27 taong gulang; Ereneo Sabas Jr., 23 taong gulang; at Jose Banilad, 46 taong gulang.

Sa ngayon ay under control na ng mga rumespundeng bumbero ang sunog.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.