Mga mangingisda, naghain ng petisyon sa UN laban sa pambu-bully ng China

By Stanley Gajete September 23, 2015 - 07:14 AM

ScarboroughNaghain ng petisyon sa United Nations (UN) ang mga mangingisda sa Pangasinan.

Ito ay kaugnay sa ginagawang pambubully ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Pinoy na nangingisda sa Scarborough Shoal.

Kasama sa naghain ang grupo Center for International Law na naghain ng petisyon sa online sa tatlong tanggapan ng UN sa Geneva, Switzerland.

Ayon sa isinumiteng petisyon, paglabag na sa karapatang pantyaon ang ginagawang panggigipit ng Chinese Coast Guard at mga mangingisdang Chinese sa mga mangingisdang Pilipino.

Umaasa namang mabibigyang pansin ang kanilang hinaing matapos nang hindi na rin makapalaot ang mga lokal dahil sa kanilang pagtataboy na ginagawa.

Matatandaang itinaboy rin noong Abril ng Chinese Coast Guard ang mga mangingisda na nasa Scarborough Shoal gamit ang water cannon.

TAGS: scarboroughshoal, scarboroughshoal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.