4 na kidnapper at isang PNP official patay sa barilan sa Bulacan

By Den Macaranas December 23, 2017 - 11:17 AM

Patay ang apat na kidnapper sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group sa lalawigan ng Bulacan.

Sa inisyal na report na dumating sa Camp Crame, nirescue ng grupo ni PNP-AKG Operation Head Supt. Arthur Masongsong ang kidnapping victim na si Raziel Esguerra sa Brgy. Sta. Lucia, Angat, Bulacan pasado ala-una ng madaling araw kanina.

Kaagad umanong natunugan ng mga kidnappers ang pagdating mga pulis kung kaya’t sinalubong nila ito ng putok ng baril.

Sa unang bugso pa lamang ng barilan ay tinamaan na si Masongsong samantalang sugatan rin ang isa pang opisyal ng PNP na kinilalang si C/Insp. Reynaldo Lumactod.

Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan si Masongsong samantalang kasalukuyang ginagamot naman si Lumactod sa hindi binanggit na ospital.

Nauna dito ay humingi kahapon ng tulong sa PNP-AKG ang mga kaanak ni Esguerra na umano’y dinukot mula sa kanilang tahanan.

Humihingi umano ng P15 Million na ransom ang mga suspek at nang malaman ang mga otoridad ang kinaroroonan ng biktima ay kaagad silang nag-plano ng rescue operation para dito.

Nasa pangangalaga na ngayon ng mga otoridad ang nailigtas na kidnap victim habang inaalam pa ng mga tauhan ng PNP-AKG ang pangalan ng mga napatay na suspek.

TAGS: Angat, arthur masongsong, Bulacan, Kidnapping, Angat, arthur masongsong, Bulacan, Kidnapping

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.