Mga pasahero sa Araneta Bus Terminal, kaunti pa

By Justinne Punsalang December 22, 2017 - 08:03 AM

 

Kuha ni Justinne Punsalang

Tuloy-tuloy ang pagdating ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang mga probinsya ngayong Pasko.

Sa Araneta Bus Terminal sa Cubao, Quezon City, bagamat maraming tao, hindi naman ito naiipon dahil tuloy-tuloy ang pagdating ng mga bus.

Marami sa mga pasahero ay may mga kasamang bata.

Nagkaroon rin ng pagbagal sa taloy ng trapiko sa loob ng Time Square dahil sa pagpasok ng mga bus, maging mga taxi na nagbababa at nagsasakay ng mga pasahero.

Ilang mga bus ay tayuan na, karamihan sa mga ito ay ordinary o walang aircon.

Ayon sa ilang mga pasahero, mas pinipili nilang pagtiyagaan na tumayo na lang sa bus habang bumibiyahe makauwi lamang sa kanilang mga probinsya.

Ayon sa mga opisyal ng bus terminal, inaasahan nilang mas dadami pa ang bilang ng mga pasahero simula mamayang hapon hanggang gabi.

Mahigpit na rin ang seguridad sa paligid ng terminal, kung saan makikitang naka-poste at rumuronda ang mga pulis mula sa Quezon City Police District.

 

TAGS: Araneta Bus Terminal, Araneta Bus Terminal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.