VP Binay, hindi nabahala sa resulta ng SWS survey

By Stanley Gajete September 23, 2015 - 04:46 AM

Binay dot netHindi lubos na ikinabahala ni Vice President Jejomar Binay ang bagong resulta ng labas na survey ng Social Weather Stations, hinggil sa mga kandidato sa pagkapangulo para sa 2016 elections.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sa Pangalawang Pangulo, tanggap naman niya ito, pero aniya nagulat din siya sa lumabas na resulta na nangulelat siya sa pinagpipilian ng publiko para sa pagkapangulo.

Aniya hindi naman siya nababahala dahil, hindi naman tinanong kung “sino ang kanilang iboboto, kundi sino ang unang pumapasok sa isip nila sa pagkapangulo?” na tinatawag na “recall” lamang ng utak.

Idinagdag pa nya na malayo pa ang eleksyon upang pangunahan kung ano ang talagang pulso ng bayan.

Ngunit agad niyang sinabi na isa itong paraan upang mas lalo niyang paigtingin ang kampanya nya sa mga kababayan sa buong bansa.

“Sa isang bahagi, isa itong wake up call, na kailangan pang dagdagan ang sipag sa pagbisita at pagpapaliwanag sa ating mga kababayan,” ang wika ni Binay.

Ipinaliwanag din ni Binay, na hindi niya pinagsisihan na napaaga ang pag anunsyo niya ng pagtakbo sa pagkapangulo, kaya siya ngayon ang ginigisa.”Ganyan naman talaga ang pulitika, tanggap na ng tao iyon,” ang nasambit ni Binay.

Sa mga pagbabagong nagaganap, malaking tulong din aniya ito upang malaman niya kung mabisa o hindi ang kampanyang ginagawa.

Kasalukuyan namang sinusuyod ni VP Binay ang Pilipinas upang mangamusta sa mga kababayan, at manligaw na siya ang piliin sa susunod na eleksyon.

Hindi pa naman nakakapili si Binay ng senatorial line up, maging ng konkretong magiging kanyang pangalawang pangulo.

TAGS: 2016 elections, sws survey, 2016 elections, sws survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.