Daan-daang katao, inilikas na sa Southern Mindanao dahil sa bagyong Vinta

By Inquirer.net, Rhommel Balasbas December 22, 2017 - 06:41 AM

Inilikas na ang daan-daang katao sa mga lalawigan sa timog na bahagi ng Mindanao dahil sa bagyong Vinta.

Sa Compostella Valley ay mahigit 1,700 na ang nasa evacuation centers dahil sa posibilidad ng storm surge at pagguho ng lupa.

Sa Davao Oriental naman ay may humigit-kumulang 5,000 katao na ang inilikas mula sa kanilang mga tahanan.

Ang mga residente ay mula sa mga bayan ng Baganga at Cateel ayon kay Lt. Col. Jake Obligado ng 67th Infantry Battalion.

Sinuspinde naman ni Mayor Erlinda Lim ng Lupon, Davao Oriental ang pasok sa trabaho sa tanggapan ng munisipyo.

Ipinag-utos na rin ng alkalde ang paghahanda ng mga relief goods, rescue teams at mga kakailanganing gamit ng mga ito.

Nag-utos na rin ng activation ng quick response team ang Department of Social Welfare and Development sa Cagayan de Oro City bilang paghahanda sa bagyo.

Samantala, sinuspinde na rin ng Coast Guard ang biyahe ng lahat ng klase ng sasakyang pandagat patungo sa Northern Mindanao, General Santos City, maging sa Luzon at Visayas. / Rhommel Balasbas/ INQUIRER.net

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.