128 bansang kasapi ng UN, pinababawi sa Amerika ang ‘Jerusalem declaration’ nito

By Jay Dones December 22, 2017 - 01:49 AM

 

Nagkaisa ang United Nations General Assembly na kondenahin ang naging desisyon kamakailan ng Amerika na kilalanin ang Jerusalem bilang kabisera o kapitolyo ng Israel.

Sa botong 128 bansa na pabor at 9 na hindi pabor, sinuportahan ng UNGA ang resolusyon na kumukontra sa naunang polisiya na idineklara ni Trump.

Bukod sa pagkondena sa Jerusalem declaration, kasama rin sa resolusyon ang paggiit ng United Nations na baliktarin ni Trump ang kanyang naunang desisyon.

Ayon sa kinatawan ng bansang Turkey, na isa sa mga unang nagsalita kontra sa US Jerusalem declaration, labag sa international law ang ginawa ng presidente ng Amerika.

Ayon naman sa kinatawan ng Israel, panahon pa ng pagbuo ng Bilbliya ay kinikilala na ang Jerusalem bilang kabisera ng kanilang bansa.

Samantala, sinabi naman ni US envoy to the UN Nikki Haley, kahit ano pa man ang naging desisyon ng United Nations ukol sa isyu ay mananatili ang pasya ng Amerika na kilalanin ang Jerusalem bilang kapitolyo ng Israel.

Dapat din aniyang tandaan ng UN na malaki ang naging kontribyusyon ng Amerika sa naturang organisasyon kaya’t dapat igalang nito ang anumang desison ng Estados Unidos.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.