PAGASA, nagtaas ng heavy rainfall warning sa mga lalawigan sa Mindanao
Nakararanas na ng tuloy-tuloy at malakas na buhos ng ulan sa maraming lalawigan sa Mindanao dahil sa bagyong Vinta.
Sa inilabas na heavy rainfall advisory ng PAGASA, itinaas nito ang orange rainfall warning sa mga lalawigan ng Surigao Del Sur, Surigao Del Norte, Agusan Del Norte, Agusan Del Sur, Davao Oriental at Compostela Valley.
Ayon sa PAGASA, nagbabadya ang pagbaha sa mga nabanggit na lalawigan lalo sa mga mabababang lugar at sa mga naninirahan sa gilid ng river channels.
Yellow warning level naman ang nakataas sa Misamis Oriental, Camiguin, Bukidnon at Lanao del Norte. Nagbabala din ang PAGASA ng posibleng pagbaha sa mga mababang lugar.
Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na magmonitor sa susunod nilang ilalabas na rainfall advisory.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.