LPA nasa loob ng bansa, magiging bagyo sa susunod na 24 na oras
Nakapasok na sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa 925 kilometers east ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Sa susunod na 24 na oras ay posibleng ma-develop ito bilang isang ganap na bagyo at tatawagin itong Vinta.
Bago ang pagtama nito sa kalupaan ng Mindanao sa Biyernes ay lalakas pa ang bagyo at aabot sa tropical storm category.
Patuloy ang paalala ng PAGASA sa mga residente sa Mindanao na mag-antabay sa mga susunod na ilalabas nilang abiso hinggil sa nasabing sama ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.