Suplay ng langis, problema sa Naval, Biliran
Matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Urduja, problema ngayon sa Naval, Biliran ang suplay ng produktong petrolyo.
Ngayong umaga, sarado ang halos lahat ng gasoline station sa bayan ng Naval.
Wala na kasing maibentang suplay ng produktong petrolyo ang mga oil company dahil walang nakararating na magde-deliver.
Isa pang matinding problema ng mga residente sa lugar ang suplay ng tubig.
Bagaman may mga itinalagang water refilling station ay napakahabang pila naman ang kailangang suungin ng mga residente para makakuha ng tubig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.