Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang ‘Oplan Kalusugan’ bilang parte ng programa ng ahensiya.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, layon ng programa na matiyak na mabibigyan ng primary health at dental care ang mga estudyante para mailabas ang kanilang potensiyal sa pag-aaral.
Maliban dito, tututukan aniya ng programa ang lahat ng DepEd school health personnel at mga estudyante na simulan ang mas malusog na kaugalian.
Makikipag-ugnayan din aniya ang mga personnel at estudyante sa mga health providers at local government units (LGUs) para sa serbisyong pankalusugan.
Nakatakda namang magsimula ang implementasyon ng programa sa buwan ng Hulyo ng school year 2018-2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.