26 napaulat na nasawi sa landslide sa Biliran

By Jay Dones December 17, 2017 - 06:23 PM

 

Screengrab/PRO 8

Dalawampu’t anim katao ang iniulat na nasawi matapos matabunan ng lupa at putik ang kanilang mga tahanan sa Biliran dahil sa magdamag na ulan na dulot ng bagyong Urduja Sabado, ng hapon.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction ang Management Office, apat na bayan sa lalawigan ang nakaranas ng landslide.

Ilang mga bangkay na aniya ang narekober ng mga emergency rescue personnel na sumugod sa mga lugar ng landslide.

Isa sa mga lugar na naapektuhan ng pagguho ng lupa ay ang Bgy. Lusuon, Naval, Biliran kahapon.

Sa isang Facebook post ng PNP Region 8, makikita ang pagsusumikap ng mga rescue team na hukayin ang makapal na putik at bato sa pag-asang may maisasalba pa ng buhay sa lugar.

Isa umanong policewoman at kanyang pamilya ang natabunan ng lupa sa naturang insidente.

Ayon sa ilang mga saksi, nakakarinig pa umano ng mga boses sa ilalim ng lupa ang mga rescue team kung kaya’t nanawagan ng karagdagang rescue personnel ang mga otoridad sa pag-asang masasagip ang mga residenteng natabunan.

https://www.facebook.com/100008896577049/videos/1787853161521219/

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.