Mahigit 15,000 katao ang stranded dahil sa pananalanta ng bagyong Urduja.
Ayon sa abiso ng Philippine Coast Guard (PCG), 15,515 na mga pasahero ang hindi makabyahe, habang 1,617 rolling cargoes, 134 na mga sasakyang pandagat, at 36 na mga motor bancas ang hindi pinapayagang makapaglayag dahil sa sama ng panahon.
Ang mga pantalan sa Central Luzon, Southern Tagalog, Bicol, Eastern Visayas, Western Visayas, at Southern Visayas ang apektado ng kanselasyon.
Samantala, nagpaalala rin ang PAGASA na hindi na dapat pang maglayag ang mga maliliit na bangka at mangingisda sa mga apektadong baybayin.
Habang ang mga malalaking sasakyang pandagat naman ay inaabisuhang maging alerto sa paghampas ng mga malalaking alon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.