Bagyong Urduja isa na lamang tropical depression
Humina na ang bagyong Urduja at kasalukuyan itong nasa Samar Sea.
Sa huling weather bulletin na inilabas ng PAGASA, nakasaad na isa na lamang tropical depression ang naturang bagyo na may lakas ng hangin na 60kph malapit sa gitna, at pagbugsong aabot sa 90kph.
Patuloy itong gumagalaw sa kanlurang direksyon sa bilis na 15kph.
Dahil sa paghina ng bagyong Urduja ay lahat ng mga lugar kung saan nakataas ang tropical cyclone warning signal number 2 ay ibinaba na sa signal number 1.
Ito ang mga lugar ng:
– katimugang bahagi ng Occidental Mindoro
– katimugang bahagi ng Oriental Mindoro
– Albay
– Sorsogon
– Masbate kabilang ang Burias at Ticao Islands
– hilagang bahagi ng Palawan kasama ang Cuyo at Calamian Group of Islands
– Aklan
– Antique
– Capiz
– Iloilo
– Guimaras
– hilagang bahagi ng Negros Occidental
– hilagang bahagi ng Cebu
– Northern Samar
– Samar
– Eastern Samar
– Leyte, at
– Biliran
Samantala, nasa labas pa rin ng Philippine Area of Responsiblity (PAR) o 1,990km silangan ng Mindanao ang binabantayang tropical depression ng weather bureau.
Ito ay may hangin na 40kph malapit sa gitna, at pagbugsong aabot sa 50kph.
Sa pagpasok nito sa bansa ay tatawagin ang naturang bagyo na Vinta.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.