Bagyong Urduja, bahagyang humina habang tinutumbok ang Northern Samar

By Rhommel Balasbas December 17, 2017 - 12:51 AM

Bahagyang humina ang Bagyong Urduja habang binabagtas ang Northern Samar.

Sa pinakahuling weather advisory ng PAG-ASA, namataan ang Tropical Storm sa bisinidad ng San Jose de Buan, Samar.

Taglay nito ang hanging aabot sa 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 110 kilometro kada oras.

Kumikilos ito pa-Kanluran sa bilis na 13 kilometro kada oras.

Nakataas ang Signal No. 2 sa:
– Sorsogon
– Masbate kabilang ang Ticao Island
– Romblon
– Cuyo Islands
– Northern Samar
– Hilagang bahagi ng Samar
– Biliran
– Aklan
– Capiz
– Northern Antique
– Northern Iloilo

Nasa ilalim naman ng Signal No. 1 ang:

– Southern Quezon
– Marinduque
– Katimugang bahagi ng Occidental Mindoro
– Katimugang bahagi ng Oriental Mindoro
– Catanduanes
– Camarines Sur
– Albay
– Burias Island
– Northern Palawan kabilang ang Calamian Islands
– Natitirang bahagi ng Iloilo
– Natitirang bahagi ng Antique
– Guimaras
– Negros Occidental
– Hilagang bahagi ng Negros Oriental
– Northern Cebu
– Leyte
– Eastern Samar
– Natitirang bahagi ng Samar

Pinag-iingat ng weather bureau ang publiko sa posibilidad na pagbaha at pagguho ng lupa sa mga lugar na nasa ilalim ng storm warning signals.

Ayon pa sa PAGASA, mapanganib pa rin ang paglalayag sa mga naturang lugar.

TAGS: Pagasa, Urduja slightly weakens, Pagasa, Urduja slightly weakens

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.