Misis, 2 anak, pinatay ni mister

By Ruel Perez September 22, 2015 - 08:58 AM

crime-scene-e1400865926320Patay ang mag-iina matapos pagsasaksakin sa Sitio Bukid Barangay Riverside, San Pedro, Laguna.

Mismong asawa at ama ang nanaksak sa mga biktima.

Ayon kay San Pedro, Laguna Chief of Police, Supt. Cecilio Ison, pinagsasaksak ng suspek na si Ruel De Castro Maraña- 31 anyos, ang kanyang asawa na si Gemmalyn Maraña, at ang kanilang mga anak.

Dead-on-arrival sa Narra Hospital si Gemmalyn at mga anak na sina Shantal Mae – 4 na taong gulang, at ang anim na buwang na sanggol na Jhoniel.

Habang ang dalawa pang anak na sina Jhonuel – 3 taong gulang at Janjan – 2 taong gulang ay isinugod sa Philippine General Hospital (PGH) at ginagamot dahil din sa tinamong saksak mula sa sarili nilang ama.

Ang suspek ay nagtangka ring magpakamatay sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili at ginagamot ngayon sa Narra Hospital.

Ayon kay Ison, galing umano sa isang lamay ang suspek na si Ruel at natalo sa sugal.

Mainit umano ang ulo nito nang dumating ng bahay at ang kaniyang mag-iina ang napagbuntunan nito ng galit.

Inaalam din kung naka-droga ang suspek nang isagawa nito ang krimen.

TAGS: Mother2kidskilled, Mother2kidskilled

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.