Bomba natagpuan sa Old Sultanate Palace sa Maimbung, Sulu
Isang improvised explosive bomb (IED) ang itinamin sa “Hastana” Darul Jambangan, o Old Sultanate Palace sa Maimbung, Sulu.
Natuklasan agad ang nasabing bomba, bago pa ito sumabog at makapaminsala.
Mismong si Sulu Governor Abdusakur ‘Toto’ Tan II ang tumawag sa mga otoridad para ipagbigay alam na mayroong nakitang IED sa lugar.
Ayon kay BGen. Alan Arrojado, Commander ng Joint Task Group Sulu, matapos matanggap ang impormasyon mula kay Governor Tan, agad silang nagpadala ng mga tauhan mula sa explosives and ordnance division (EOD) at mga K9 teams para i-diffuse ang IED.
Pagdating sa lugar ng mga mga tauhan ng EOD at K9 teams mula sa Philippine Army, nakumpirmang may IED niya sa lumang Sultanate Palace.
Hinala ng mga otoridad, ang paglalagay ng bomba sa lugar ay may kinalaman sa sigalot sa pagitan ng dalawang paksyon ng Kiram clan.
Pinagtatalunan kasi ng dalawang panig ang karapatan ng pagmamay-ari sa Sultanate of Sulu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.