Pinakamalamig na temperatura ngayong buwan naitala sa Baguio City

By Jimmy Tamayo December 16, 2017 - 12:06 PM

Nakapagtala ng pinaka-malamig na temperatura ang Baguio City kahapon, Dec 15.

Umabot ito sa 12.8 degrees Celsius at inaasahang bababa pa sa mga susunod na araw.

Sinabi ng PAGASA na tatagal ang malamig na panahon hanggang sa buwan ng Pebrero 2018.

Ayon sa mga weather expert, naantala ang pagpasok ng malamig na temperatura ngayong taon.

Kaninang umaga, umabot naman sa 19 degrees Celsius ang temperature sa Baguio.

Naitala naman ang coldest temperature noong February 12, 2017 na umabot sa 9.2 degrees Celsius.

TAGS: baguio city, December, Pagasa, baguio city, December, Pagasa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.