DFA dumepensa sa mga akusasyon ng pagpapabaya sa WPS
Nilinaw ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na maingat lang ang Pilipinas sa pagharap sa mga isyu partikular na sa panibagong pagtatayo ng China ng military facilities sa West Philippine Sea.
Reaksyon ito ni Cayetano sa pasaring ni UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea Director Jay Batongbacal sa umano’y pagpapabaya ng gobyerno sa nasabing isyu.
Sinabi ni Batongbacal na tila hinahayaan lamang ng Pilipinas ang ginagawang pananakop ng China sa teritoryong sakop ng bansa.
Nilinaw naman ng kalihim na hindi umaatras ang Pilipinas sa China pero kailangan umanong mabuo muna ang mutual trust para sa mas maayos na pag-uusap.
Dapat rin umanong maging maingat ang bansa sa pagtalakay sa isyu dahil hindi lang naman ang Pilipinas at China ang claimants sa nasabing mga isla.
Inaasahan naman na tatalakayahin ang panibagong pagtatayo ng China ng istratura sa West Philippine Sea sa pagpapatuloy ng deliberasyon sa Code of Conduct in the South China Sea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.