Isa na ang patay sa lindol sa Java, Indonesia
Isang 62-anyos na lalaki na ang naiulat na nasawi matapos ang magnitude 6.5 na lindol na tumama sa Java, Indonesia kagabi.
Kinumpirma ito ni National Disaster Mitigation Agency Spokesman Sutopo Purwo Nugroho ngunit sinabing may mga ulat pa na marami pa ang nasawi at nasugatan sa rehiyon.
Ayon kay Nugroho, maraming building ang gumuho at nasira sa mga lungsod at bayan sa Central at Western Java.
Ayon naman sa ulat naman ng isang TV station sa nasabing bansa, isang ospital sa bayan ng Banyumas ang nasira at ang mga pasyente ay agarang inilikas.
Naramdaman din ang 20-segundong pagyanig sa Jakarta na kapitolyo ng Indonesia at sa marami pang lugar.
Samantala, binawi na ang tsunami warning na inilabas dalawang oras matapos ang pagyanig.
Ayon sa US Geological Survey, may lalim ang pagyanig na 91 kilometro.
Ang Indonesia ay bahagi ng Pacific “Ring of Fire” na kadalasang nakararanas ng lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.