Martial law extension, inirerespeto ng CHR

By Kabie Aenlle December 16, 2017 - 05:32 AM

Iginagalang ng Commission on Human Rights (CHR) ang desisyon ng Kongreso na pahintulutan ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin ang martial law sa Mindanao sa loob ng isa pang taon.

Ito’y kahit pa ilang beses nang ipinahayag ng komisyon ang kanilang pananaw laban dito.

Sa pahayag ng CHR, sinabi nila na inirerespeto nila ang prerogative ni Duterte, pati na rin ang boto ng Kongreso.

Gayunman, iginiit nila na kailangan pa ring ipagpatuloy ang pagsusulong na resolbahin ang mga kaso ng paglabag sa human rights.

Naniniwala din kasi ang CHR na kaya ng mga pulis at militar na supilin ang mga banta ng terorismo at karahasan kahit hindi magpatupad ng martial law.

Sa ngayon ay umaasa na lamang ang CHR na hindi mabahiran ng mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Responsibilidad na anila ng gobyerno na sundin ang mga safeguards ng Konstitusyon upang maiwasan ang mga pang-aabuso.

Kasabay nito ay tiniyak naman ng CHR na babantayan nila ang pagpapatupad nito, at kukundenahin ang anumang uri ng pang-aabuso.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.