3 dayuhan, 1 Pinay, dinukot sa resort sa Samal island

By Dona Dominguez-Cargullo, Josephine Codilla September 22, 2015 - 12:40 PM

Samal Kidnapping Sept 21
From www.davaopropertyfinder.com

(update) Tatlong dayuhan at isang Filipina ang dinukot ng mga armadong kalalakihan sa Samal Island sa Davao Del Norte.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Island Garden City of Samal Chief of Police Benedicto Faco, ang mga dinukot ay dalawang Canadian Nationals, isang Norwegian na operations manager ng resort at ang isang Pinay na girlfriend ng isa sa mga Canadian.

Pinangalanan ang mga biktima na sina John Ridsdel (Canadian), Robert Haul (Canadian), Kjartan Sikkengstad (Norwegian) at ang pinay na nakilala lamang sa pangalang Tess.

Naganap ang pagdukot alas 11:41, Lunes ng gabi sa Barangay Camudmud, sa Babak District na isang isla malapit sa Davao City at sakop ng Davao Del Norte.

Sakay ng dalawang bangka ang mga armadong kidnappers na hindi bababa sa labinglima ang bilang.

Ayon kay Faco, ang nasabing Isla at daungan ng yate ng mga divers na dayuhan. Karamihan umano sa mga dayuhan ay sa kani-kanilang mga yate lamang natutulog.

Nasa 30 dayuhan ang nasa Isla nang maganap ang insidente, at tulog ang karamihan. Sinabi ni Faco na posibleng ang apat na biktima lamang ang inabutang gising at nasa labas ng mga kidnappers kaya sila ang nakuha.

Mayroon ding mag-asawang Amerikano at isang Japanese ang tinangka ding dukutin pero nagawa nilang makapanlaban.

TAGS: 1 Filipina abducted in Samal Island, 3 foreigners, 1 Filipina abducted in Samal Island, 3 foreigners

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.