NDRRMC, isinailalim na sa red alert status dahil sa patuloy na paglakas ng bagyong Urduja
Isinailalim na sa red alert status ang National Disaster Risk Reduction and Management Council.
Ito’y kasunod na rin ng patuloy na paglakas ng bagyong Urduja.
Ibig sabihin nito, 24-oras ng nakaantabay ang nasabing ahensya kasama na ang PCG, DOH, DPWH, DSWD, Pagasa at response cluster team na siyang tututok sa mga apektado ng bagyo.
Pero sa kabila nito ay nilinaw ng kanilang spokesperson na si Romina Marasigan na wala pa namang ipinapatupad na force evacuation sa kahit alinmang bahagi ng bansa na apektado ng bagyo.
Kaniya ring sinabi na nakahanda na ang food packs na ipapamahagi ng DSWD para sa mga apektado ng bagyong Urduja partikular sa probinsya ng Samar.
Sa katunayan nga anya ay bago paman tumama ang bagyong Urduja ay nakapaghanda na ang pamahalaan ng mga family food packs na ipapamahagi sakaling magkaroon ng kalamidad.
Samantala, sa ngayon ay may ilan ng mga pamilya na nasa evacuation area matapos na malubog sa tubig baha ang kanilang mga tahanan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.