Publiko, hinikayat na makiisa sa 4th Nationwide Earthquake Drill

By Mark Gene Makalalad December 15, 2017 - 11:10 AM

Sa kabila nang pagiging abala dulot ng pagtama ng Bagyong Urduja, hinikayat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang publiko na makiisa sa 4th Nationwide Simultaneous Earthquake Drill.

Sinabi ni Romina Marasigan, spokesperon ng NDRRMC, tuloy ang taunang aktibidad at hindi maapektuhan ng bagyo ang mga programang inalatag nila.

Sa katunayan nga aniya ay pagkakataon ito para makita emergency preparedness ng isang lugar.

Paliwanag pa ni Marasigan, dapat maging alisto at mabilis ang bawat isa sa panahon ng sakuna.

Makikita rin dito kung may pagbabago sa huling drill na ginawa nila at kung anong adjustment ang dapat gawin.

Sabay-sabay na isagawa ang earthquake drill alas-2:00 ng hapon na ang ceremonial area ay sa Sapang Palay, San Jose del Monte, Bulacan at ang lahat ay inaaanyayahang maki-duck cover and hold.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: disaster preparedness, earthquake drill, NDRRMC, disaster preparedness, earthquake drill, NDRRMC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.