P3.7-T national budget, gagamitin sa maayos na paraan-Malacañang

By Chona Yu December 15, 2017 - 01:29 AM

Gagamitin ng Palasyo ng Malakanyang sa maayos na pamamaraan ang 3.767 trilyong pisong budget para sa taong 2018.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pinasasalamatan ng Palasyo ang Kongreso dahil sa mabilis na pag-apruba sa budget.

Lalagdaan ni Pangulong Duterte ang budget o ang General Appropriations Act sa December 19.

Pagtitiyak pa ni Roque, gagamiting kasangkapan sa pagbabago at pondohan ang mga priority projects ng administrasyong magpapaangat sa kabuhayan ng mga mahihirap at mapalago ang ekonomiya ng bansa.

“So we assure everyone that we will use people’s money to good use as we thank everyone for working diligently and spending countless hours in planning and crafting this budget until its passage.”

Ayon kay Sec. Roque, tutugunan na rin ang naging problema sa nakaraan na “underspending” o mabagal na paggasta para sa mga mahahalagang proyekto ng gobyerno.

Pinasalamatan din ng palsyo ang Kongreso sa pagratipijka sa Tax Reform Bill.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.