Mga unibersidad at kolehiyo sa NCR, walang pasok sa November 17 at 20
Idineklara ng Commission on Higher Education (Ched) na “school holidays” ang November 17, Martes at November 20, Biyernes sa lahat ng pribado at publikong kolehiyo at unibersidad sa National Capital Region.
Batay sa Memorandum No. 51, Series of 2015 na inilabas ni Ched NCR Director Leonida Calagui, ang mga nasabing school holidays ay idineklara para sa pagpapaigting ng seguridad sa kasagsagan ng pagbisita ng mga Apec leaders.
Dahil dito hinihikayat ng Ched ang mga paaralan na magbigay na lamang ng ibang aktibidad o mga takdang aralin sa kanilang mga estudyante kung saan hindi nila kailangang pumunta sa eskwelahan o bumyahe.
Nauna naman nang idineklara ng Malacañang ang November 18 at 19 bilang non-working holidays sa NCR para din sa Apec Economic Leaders’ Meeting.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.