Tinatayang 300 katao, stranded sa Cebu dahil sa Bagyong Urduja

By Rohanisa Abbas December 14, 2017 - 08:18 PM

Stranded ang tinatayang 300 katao sa iba’t ibang pantalan sa lalawigan ng Cebu dahil sa pananalasa ng Bagyong Urduja.

Sa tala ng Philippine Coast Guard-Cebu (PCG-Cebu), hindi nakabyahe ang 22 passenger ferries at siyam na cargos ships dahil sa masamang lagay ng karagatan.

Karamihan sa mga ito ay tungong katimugang Leyte, gaya ng Ormoc City, Maasin, Villaba, Palompon at Isabel.

Sa kabuuan, 280 pasahero ang hindi pa nakapaglayag.

Inabisuhan ng PAGASA ang mga mangigisda at mga maliliit na bangka na iwasan pumalaot sa eastern seabord ng Bicol at seabords ng Visayas dahil sa maalong dagat.

Inaasahan namang bukas ng umaga magla-landfall sa Eastern Samar ang Bagyong Urduja.

 

TAGS: cebu, PCG, philippine coast guard, stranded, cebu, PCG, philippine coast guard, stranded

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.