Mahigit 3,000 pasahero stranded dahil sa bagyong Urduja
Mahigit 3,000 pasahero na ang stranded sa mga pantalan dahil sa bagyong Urduja.
Ayon sa Philippine Coast Guard, pinakamaraming stranded na pasahero ay sa Bicol Region na umabot sa mahigit 2,700.
Kabilang dito ang 336 na mga stranded na pasahero sa Port of Virac, 76 pasahero sa Port of Masbate, 54 na pasahero sa Port of Jacinto, 2,149 sa Port of Allen, 118 na pasahero sa Port of Pilar, 8 sa Port of Roxas City at 12 sa Port of San Pascual.
Sa Eastern Visayas naman mayroong 294 na mga stranded na pasahero.
Sa kabuuan ayon sa coast guard, 3,057 na pasahero na ang stranded, 10 barko, 331 na rolling cargoes, at 84 na motor banca.
Pinaalalahanan naman ng coast guard ang lahat ng kanilang district units na mahigpit na ipatupad ang pagbabawal sa paglalayag sa mga lugar na apektado ng bagyong Urduja.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.