Lubang Occidental Mindoro, niyanig ng magnitude 3.0 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo December 14, 2017 - 07:58 AM
Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bayan ng Lubang sa Occidental Mindoro.
Tumama ang lindol sa sa 84 kilometers Southwest ng Lubang.
Naganap ang pagyanig ala 1:51 ng madaling araw ng Huwebes.
Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 79 kilometers.
Samantala, matapos ang magnitude 3.0 na lindol sa Lubang, tumama naman ang magnitude 2.5 na lindol sa Paluan, Occidental Mindoro alas 3:08 ng madaling araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.