Higit 30 katao, patay sa airstrikes sa Yemen

By Rhommel Balasbas December 14, 2017 - 02:11 AM

 

Tinatayang nasa 35 katao ang nasawi at 20 pa ang nawawala matapos ang airstrike na isinagawa sa isang military police facility sa Sanaa, Yemen.

Isinagawa ng isang Saudi Arabia-coalition ang nasabing airstrikes bilang tulong sa pamahalaan ng Yemen sa giyera nito kontra sa rebeldeng grupong ‘Houthi rebel movement’.

Ang mga rebelde ay hinihinalang suportado ng bansang Iran na hindi rin maganda ang relasyon sa Saudi.

Ang mga namatay sa airstrikes ay pawang mga nakadetine sa piitan sa kampo militar.

Ayon kay Mohammed al-Aqel, limang beses na pinaulanan ng airstrike ang kampo dahilan upang magtamo ng malalang pinsala ang mga imprastraktura.

Ayon sa mga inisyal na ulat, 35 katawan na ang nakukuha mula sa lugar.

Nasa 180 katao ang nakapiit sa kampo.

Mula ng manghimasok ang coalition mula Saudi sa pagtugis sa mga rebelde ay nasa 8, 670 katao na ang namamatay habang 49,960 na ang nasaktan ayon sa United Nations.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang coaltion ukol sa nasabing insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.