650 armas na nakuha sa Marawi City, sinira ng pamahalaaan

By Chona Yu December 13, 2017 - 04:45 PM

Kuha ni Chona Yu

Winasak ng pamahalaan ang 650 piraso ng matataas na uri ng armas na narekober sa kamay ng mga teroristang Maute group sa Marawi City.

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang seremonya ng demilitarization sa Philippine Army Headquarters sa Taguig City.

Dalawang malaking pison ang ginamit upang sirain ang mga armas, pinutol ang mga ito gamit ang metal bond circular cutter at matapos ay sinunog.

Ang mga natitirang bahagi ng mga baril ay itinago naman para sa proper disposal, base sa itinakdang polisiya ng Armed Forces of the Philippines.

Kabilang sa mga sinirang armas ay heavy machine gun, light machine gun, squad automatic weapon rifle, propelled grenade launcher, sniper rifles, M-16 rifles, shotguns at airgun.

Ayon sa Pangulo, simboliko ang pagsira sa mga armas dahil ipinakita nito ang tagumpay ng pamahalaan laban sa mga terorista.

Sa seremonya, ginawaran rin ng parangal ng Pangulo ang 105 sundalo ng Order of Lapu-Lapu.

75 Kamagi Medals at 30 Kampilan Medals rin ang iginawad sa mga sugatang sundalo na nakipaglaban sa Maute group.

 

TAGS: Demilitarization, Marawi City, Demilitarization, Marawi City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.