Cebu Pacific, nag-sorry sa mga pasaherong naapektuhan ng naantalang biyahe na Taipei-Manila-Taipei
Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Cebu Pacific sa kanilang mga pasahero na naabala matapos ma-delay ang kanilang biyahe patungong Taiwan, at pabalik ng Manila ng ilang oras.
Ayon sa Cebu Pacific, naantala ang nasabing mga biyahe dahil sa technical problem sa eroplano.
Nakatakda sanang lumipad ang nasabing eroplano patungong Taipei, Taiwan mula sa Manila noong Lunes ng 11:40 ng tanghali pero na-delay ito hanggang 7:21 ng umaga ng Martes.
Ang return flight naman na 5J311 mula Taipei patungong Manila na nakatakdang lumipad ng alas 4:00 ng madaling araw ng Martes ay naantala din, at nakaalis na bandang alas 10:00 ng umaga.
Tiniyak ng Cebu Pacific na inasiste nila ang lahat ng mga pasahero na naapektuhan ng delayed flights.
Binigyang-diin nila ng pagkain at travel vouchers ang lahat ng mga pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.