18 sugatan sa magnitude 6.2 na lindol sa Iran
Niyanig ng 6.2-magnitude na lindol ang southeastern province ng Iran na Kerman.
Ayon sa national emergency service ng Iran, labingwalong katao ang nasugatan sa Hejdak at Ravar villages.
Napinsala naman ang mga bahay mula sa anim na lugar at kinansela ang mga klase sa lahat ng antas sa mga paaralan.
Matapos ang magnitude 6.2 na lindol, nakapagtala pa ang US Geological Survey ng malalakas na aftershocks na magnitude 6.0 at 5.9.
Noong November 12, niyanig ng magnitude 7.3 na lindol ang Kermanshah, Iran kung saan aabot sa 620 na katao ang nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.