Panukalang babaan ang presyo ng political ads tuwing eleksyon, aprubado na sa Kamara

By Rhommel Balasbas December 13, 2017 - 03:21 AM

Inquirer file photo

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa KAMARA ang panukalang batas na naglalayong pababain ang presyo ng mga political advertisements sa tuwing sasapit ang halalan.

Layon ng House Bill (HB) 6604 sa pangunguna nina Speaker Pantaleon Alvarez at House Majority Floor Leader at Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas bilang may mga akda na magbigay ng 50% na diskwento sa mga partido at kandidato para sa kanilang mga campaign ads sa dyaryo, telebisyon at radyo.

Nais nitong magbigay ng pantay na oportunidad sa lahat ng kwalipikadong kandidato na makapagpalabas ng kanilang political propaganda sa abot-kayang presyo.

Ang panukalang batas din na ito ay mag-aamyenda sa umiiral nang Republic Act (RA) 9006 o Fair Election Act.

Dahil dito, maaari nang mabantayan ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga himpilan ng media sa pagtataas ng presyo sa mga political ads kumpara sa kanilang regular advertisers.

Normal nang lumalaki ang kita ng mga istasyon dahil sa mga political propaganda sa tuwing sasapit ang eleksyon.

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, nasa 30% lamang ang diskwento sa campaign ads sa TV, 20% sa radyo at 10% sa dyaryo para sa unang tatlong quarter ng taon bago ang taon ng halalan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.