Duterte sa NPA: Sa inyo ako natuto ng impunity
Binanatan muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga komunista dahil sa pagbatikos sa kaniya at sa desisyon niyang ihinto na ang peace talks.
Binatikos ni Duterte ang mga komunista sa pagnanais na magkaroon ng rebolusyon, pero aniya, kapag siya naman ang nagsusulong ng rebolusyon ay nagagalit ang mga ito.
Ayon pa sa pangulo, nagagalit ang mga rebelde sa karahasan at kaguluhan, at gayundin naman siya sa mga ginagawa ng New People’s Army (NPA).
Tanong pa ni Duterte, ano pa ang pinagkaiba nila gayong pumapatay din naman ang mga rebelde gamit ang impunity, tulad ng ibinabatong akusasyon sa kaniya.
Kung inaakusahan aniya siya ng NPA ng impunity, ito ay dahil sinimulan ito ng mga rebelde.
Dagdag pa ni Duterte, natuto lang siya sa mga rebelde na kung pumatay ng mga tao ay para bang baboy lang ang kinakatay.
Giit pa ng pangulo, maituturing din na punity ang ginawa ng NPA kamakailan sa Mindanao kung saan kasama sa mga nasawi sa pag-atake ngmga rebelde ang isang apat na buwang gulang na sanggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.