Dela Rosa, pinangakuan ng posisyon ni Duterte

By Kabie Aenlle December 13, 2017 - 03:53 AM

 

Hindi pa matatapos ang kwento ni Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald dela Rosa sa gobyerno sa kaniyang pagreretiro sa susunod na buwan.

Ayon kasi kay Dela Rosa, sinabihan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na itatalaga siya sa isang posisyon sa pamahalaan pagkatapos ng kaniyang nakatakdang pagreretiro sa Enero 2018.

Kwento ni Dela Rosa, sinabi sa kaniya ng pangulo na ilalagak siya sa pinakamahirap na trabaho sa buong pamahalaan.

Bilin kasi ni Duterte sa kaniya, “Where everyone fails, I expect you to succeed,” kaya inaasahan na niyang mabigat ang magiging trabahong ito.

Matagal na aniya itong sinasabi sa kaniya ni Duterte pero makabubuting hindi na muna siya magbigay ng detalye upang hindi naman mapangunahan ang nasabing appointment.

Tiniyak naman ni Dela Rosa na wala siyang hihindian sa mga hamon sa kaniya lalo na kung ang magbibigay sa kaniya nito ay ang taong kaniyang binibigyan ng mataas na respeto.

Dagdag pa ng hepe ng PNP, hindi niya ipapahiya si Duterte sa kung saan man siyang ahensya ilalagak nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.