Trump, isinisisi sa Democrats ang ‘pekeng alegasyon’ ng sexual harassment laban sa kanya

By Jay Dones December 13, 2017 - 02:30 AM

 

Mariing itinanggi ni US President Donald Trump ang mga alegasyon ng sexual harassment na ipinukol laban sa kanya ng tatlong kababaihan na umano’y naganap noong panahon ng 2016 presidential campaign.

Giit ni Trump, walang katotohanan ang mga bintang at gawa-gawa lamang ang naturang isyu ng kampo ng mga Democrats.

Paliwanag pa ni Trump, nais lamang ibaling ng mga Democrats ang atensyon ng publiko.

Ito ay dahil nabigo na ang mga ito na patunayan ang naunang alegasyon ng mga ito na nagkaroon ng pakikipagsabwatan ang kanyang kampo sa Russia noong panahon ng kampanya.

Tinawag rin na ‘fake news’ ni Trump ang naturang alegasyon ng mga ito.

Matatandaang nitong nakalipas na araw, lumutang ang tatlong kababaihan na unang nag-akusa kay Trump ng sexual harassment at humihiling sa US Congress na imbestigahan ang mga ito.

Nauna nang iginiit ng White House na nagsisinungaling lamang ang mga kababaihan at may hawak silang mga testigo na makapagpapatunay na peke ang akusasyon ng mga ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.