Klase sa pre-school at elementarya sa Albay, suspendido na dahil sa ulan
Sinuspinde na ng lokal na pamahalaan ng Albay ang klase sa pribado at pampublikong pre-school at elementarya sa buong lalawigan ngayong araw, Miyerkules, December 13 dahil sa patuloy na pag-ulan.
Ito’y upang makaiwas sa panganib ang mga kabataan sa gitna ng nararanasang pag-ulan sa lalawigan.
Maghapon ang pag-ulan sa lalawigan ng Albay dahil sa pinagsamang epekto ng bagyong ‘Urduja’ at ‘tail end of cold front.’
Sa abiso mula kay Albay Governor Al Francis Bichara, malaki ang posibilidad na makaranas ng mga pagbaha sa mga mabababang lugar resulta ng patuloy nap ag-ulan.
Dahil dito, pinayuhan rin ng gobernador ang mga residente na nakatira malapit sa gilid ng mga ilog na patuloy na magbantay sa posibilidad ng pag-apaw ng mga ito.
Sa huling abiso ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa east-northeast ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.