‘Urduja’ inaasahang lalakas pa sa loob ng 36 na oras

By Jay Dones December 12, 2017 - 11:46 PM

 

Napanatili ng bagyong ‘Urduja’ ang lakas nito habang nasa Philippine Sea.

Sa 11:00 PM update ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 415 kilometro sa east-northeast ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na nasa 55 kilometro bawat oras at pagbugsong nasa 65 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na anim na kilometro kada oras.

Inaasahang magdadala ang bagyo ng kalat-kalat na pag-ulan sa baybayin ng Bicol region, eastern Visayas at Caraga region.

Pagsapit ng Sabado ng gabi, inaasahang nasa 30 kilometro ang layo nito sa northeast ng Catarman, Northern Samar.

Dahil nasa dagat, inaasahang lalakas pa ang bagyo sa susunod na 36 na oras.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.