Alvarez: Martial law extension sa Mindanao tiyak na lulusot sa Kamara
Nanindigan si House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi lalabagin ng 1-year extension ng martial law sa Mindanao ang Saligang Batas.
Ayon kay Alvarez, matagal nang may umiiral na rebelyon sa kanilang rehiyon.
Paliwanag nito, kahit tapos na ang giyera sa Marawi City ay hindi ito nangangahulugan na tapos na ang sigalot.
Mayroon pa anyang movements sa mga kalapit na lugar.
Patunay anya rito ang mga nagaganap na extortion sa banana at pineapple plantation sa rehiyon.
Dahil dito, tiwala ang pinuno ng Kamara na maaprubahan ang hiling ng pangulo na pagpapalawig ng batas militar sa Mindanao ng isa pang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.