Pera o boto ang posibleng motibo sa Dengvaxia controversy ayon kay Sen. Gordon

By Ruel Perez December 12, 2017 - 10:23 AM

Pera o boto.

Ito umano ang posibleng mga dahilan kaya isinulong ng ng nakalipas na administrasyon ang anti-dengue vaccination program nito kahit hindi pa tapos ang clinical trial ng Dengvaxia.

Sa ginawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee at Committee on Health, sinabi ni Sen. Richard Gordon na nakakapagtaka bakit minadali ang pagpapatupad ng programa
sa kabila ng hindi pa umano kumpleto ang pag-test sa Dengvaxia.

Isa sa nakikitang dahilan ni Gordon ay ‘boto’ dahil ang mga lugar kung saan inilunsad ang kampanya ay mayroong malalaking bilang ng botante.

Ang kick-off ng anti-dengue vaccination program ng DOH ay ginawa sa NCR, Central Luzon at sa CALABARZON.

Maliban sa boto, posibleng pera din ang dahilan kaya minadali ang programa dahil hindi bito ang P3.5 billion na halagang involved dito.

Samantala, nauna ng sinabi ni Gordon na bagaman sa ngayon ay wala pang plano na ipatawag si dating Pangulong Noynoy Aquino, maari naman itong dumalo sa susunod na hearing na itinakda sa Huwebes, December 14 kung kaniyang nanaisin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: anti-dengue vaccination program, Dengvaxia, department of health, senate inquiry, anti-dengue vaccination program, Dengvaxia, department of health, senate inquiry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.