Heavily tinted vehicles sakit ng ulo ng MMDA sa HOV lane policy
Malaking hamon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga heavily tinted vehicle na bumabagtas sa high occupancy vehicles (HOV) lane sa EDSA.
Base sa monitoring sa unang araw ng dry-run sa HOV lane noong Lunes, mula 6:00 ng umaga hanggang 4:30 ng hapon ay nasa 1,275 na sasakyan ang nahuling hindi sumunod sa paggamit ng HOV lane.
Gamit din ang high-definition security cameras at monitoring sa MMDA metro base command center ay 1,121 naman ang sumunod.
Samantalang sa pamamagitan ng handy camera, 12 ang sumunod din sa bagong traffic reduction scheme, at 84 ang nakitang lumabag.
Ngunit base din sa inilabas na datos malaking bilang o 3,722 na sasakyan ang hindi nabatid kung sumunod o hindi dahil mga heavily tinted ang mga ito.
Una na rin sinabi ni Asst. Gen. Manager for Planning Jojo Garcia na mahihirapan silang matukoy kung sumusunod ang mga heavily tinted vehicles kahit high definition cameras ang kanilang gamit.
Sa HOV lane policy, ang mga sasakyan na may sakay na higit sa isa kasama na ang driver ay maaring gamitin ang fifth lane o ang linyang katabi ng MRT.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.